Iginuhit ni: Vincent Flores
Para sa mga kwentong
Hindi nailathala,
Ilapag muna ang pluma
At ipahinga muna ang mga pahina.
Para sa mga tanawing
Nais abutin ng paningin,
Kahit mga mata’y handa na
Pumikit muna pansamantala.
At para sa mga susunod pa,
Sa mga awiting ‘di nabigyang saliw,
Sa mga pagal na tinig,
Sa mga pangarap na naglalaho na,
At para sa’yo.
Kung hindi para sa’tin ang kahapon,
Baka para tayo sa ngayon,
O maaaring pag-aari natin ang bukas,
At ang mga susunod pa...
Comments