Nakakasawang ingay; Nakabibinging katahimikan. Sa lipunang mayroon tayo; Siguradong ika’y mananawa.
Kaliwa’t kanang magkakaiba ang
daing;
Animo’y ang kanin ay
nakaligtaang isaing.
Tila politiko’y isa nang mundo;
Nakakalat kahit saan mang sulok.
Ilang henerasyon na ang pagdurusa;
Sa kamay ng binging hustisya. Hindi alam ang titimbangin; Mas magaan ba ang nagdurusa?
Sa kamay ng mga malulupit na tao;
At walang pangil na batas; Laganap ang tiwali;
Mga kriminal ay nawiwili.
Sa pagdaan ng panahon; Itinuring ang kabataan; Bilang pag-asa ng bayan;
Hawak ang makabagong kaalaman.
Inaasahang boses; Inaasahang mata. Hindi pipi;
At hindi rin bulag.
Sa murang edad;
Ay namulat kaagad.
Iba-iba man ang paraan; Iisa lang ang inaasam.
Kabataan ang pag-asa ng bayan;
Bakit ngayon ay nadudungisan?
Ngayon ay lumalala ang hidwaan; Matatanda laban sa kabataan.
Kulang ba sa pag-unawa? Ang bagong kabataan?
O ang mismong matatanda, Ang walang pinagkatandaan?
Kabataang takot matulad; Matatandang ayaw tumulad. Magkabilang panig ay may sabat; Nakanino ba ang tapat?
Batang puno ng tindig; ‘sing lakas ng tinig. Handa raw makibaka; Mulat at hindi nganga.
Aktibista ba ang salot? O ang mentalidad na ayaw kumalikot?
Hinahayaang makuntento;
Sa batas na lamang ang dayo.
Matitindig na tinig; Mga ayaw magpalupig. Tindig ng paniniwala;
Ipinaglalaban ay matamasa.
Patuloy ba ang paglalaro?
Ng piring-piringang sumasagad sa buto?
O ang buhay lamang ba? Ay kanilang minemema?
Heto ang sistema; Inilalapag ng mas bata. Ayaw pakinggan!
Comments