top of page
Katherine Felix

Makabagong Bayani sa Makabagong Panahon



Mundo'y tumigil at bayan ay napilay dala ng pandemya,

Lahat ay nagulat, nataranta, naaligaga, at nangamba,

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay mayroong mga taong nagsilbing ilaw,

Ilaw sa isang matinding kadilimang bumalot sa ating Inang Bayan.


Ang mga frontliners ang nagsisilbing ilaw sa madilim na panahon natin ngayon,

Mga frontliners na tumatayo bilang haligi ng ating bayan,

Mga frontliners na patuloy lumalaban sa kabila ng takot

At pagod masigurado lamang na ang mga tao ay ligtas mula sa malubhang sakit na ito.


Si ate sa kahera ng supermarket na nilalakasan ang loob upang makihalubilo sa iba't ibang tao sa araw-araw niyang pag-tinda,

Si kuya na walang sawang bumibiyahe araw-araw upang makapag-deliver ng mga pinamili ng mga taong nananatili sa kanilang bahay,

Ang mga mamamahayag na hindi napapagod ihatid ang mga napapanahong balita para mapanatag ang loob natin na may wakas din ang kadilimang ito,

At ang ating mga healthcare workers na nagpapakita ng dobleng sakripisyo sa kanilang serbisyo.


Sila ang tunay na bayani sa panahon ng walang katiyakan,

Sila ang dapat bigyan natin ng ating taos-pusong pasasalamat,

Sa paghangad nila ng walang iba kung 'di kaligtasan at seguridad nating lahat,

Sa paghangad nila ng magandang kinabukasan para sa Inang Bayan.


Pagpupugay sa makabagong mga bayani ng ating bansa;

Salamat po, mahal naming frontliners!


50 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


bottom of page