top of page
Sunday Julaton

Kamay ni Laan

Updated: Oct 18, 2021


Guhit ni: Reymon Baluyot


Sulating walang katapusan,

Hangaring walang hangganan

Ito ang kalagayang aking nadatnan

Ika ng aking mahal na Laan.


Sa aking propesiya

May nakita akong mangangaso

Gamit ang palakol na kahoy ang hawakan

Sinibak lahat ng laman,

Sa lupaing noon ay luntian


Sa aking propesiya

May nakita akong arsonista

Sinilaban niya ang aming kusina

Tinapon ang aming mga kasangkapan


Ang mga pangitaing ito ay ang aking ikinababahala

Pagka’t oras ay ating siyang kalaban

Mga salita’y bumubulaklak at tao’y nagtitiwala

Ang ating kinabukasan ay tanging nasa kamay ni Laan


58 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page