top of page
Paula Nicole Audije

Dilim

Updated: Jul 22, 2021

Madilim na ang gabi.

Tanging mga liwanag na nanggagaling sa iyong mga mata ang nagsisilbing gabay sa daan na walang kasiguraduhan ngunit pilit pa rin nating tinatahak. Ang mga bisig mong nagbibigay init sa gabing malamig na tila ba ipaglalaban ako ng iyong mga yakap sa ginaw. Mabubulaklak na salitang namumutawi sa iyong bibig ay ang mga katagang gustong gusto kong naririnig at heto na naman ako, dalang dala sa iyo.

Ang akala kong walang hanggan, ay nagtapos sa hanggang dito na lang.

Hindi na ako sanay maglakad mag-isa. Ngayon, sabihin mo sinta… Paano ko na dadaanan ang mga lugar kung saan puro imahe mo ang nasisilayan? Paano ko na susuungin ang lamig ng gabi gayong wala ka na sa aking tabi?

Ngunit kung buo na talaga ang iyong pasya, kung nagsasawa ka na sa dilim at kung mas pipiliin mo ang liwanag na nanggagaling sa iba, Tutol man ang puso ngunit handa itong magsakripisyo.

Paalam. Huwag kang mag-alala. Ihahatid pa rin kita. Ihahatid kita sa kaniya. Sisiguraduhing matiwasay kang lalayo sa aking piling. Pagkatapos ay, titigil na. Hahayaan na kita sa liwanag. Hahayaan na kita sa kaniya.

Photo by Riamae Baniqued


34 views0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page