top of page
Adreane Rennae Nufable

‘Di Mo Alam

Buhay ay sadyang ‘di mo masabi

Araw-araw, gabi-gabi

Iba-iba ang maaaring mangyari

Samo’t saring pangyayari

‘di mo na alam ang gagawin

ang tanging alam lang ay kumapit at ngumiti

muling tumayo at tumakbo

at ikutin ang mundong madalas ay magulo

wala kang magawa kung ‘di kumapit at ngumiti

sa mga araw na puro problema at pighati

kumapit at ngumiti,

sa mga oras na walang baghaghari

buhay ay sadyang nagbabago pa rin,

kaya kumapit ka lang at patuloy na ngumiti

Photo by Hannah Mae Pelaez


47 views0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page