Araw gabi, araw gabi
Ang buhay ay umiikot sa araw at gabi
Minsan ay dilaw, minsan ay itim
May mga oras na puro kulay
Mayroon din namang hirap sa buhay
Matatapos nga ba ang araw at gabi?
Sino nga ba ang makakapagsabi?
Pero kung titignan mo,
walang araw kung walang gabi
Para bang walang saya kung walang poot
Walang sarap kung walang paghihirap
Walang ginhawa kung walang problema
Kaya kung sa tingin mo buhay mo ay nananatili sa gabi
Na puro na lang dilim at lagim
Na para bang nakatakip-silim
Huwag kang mag-alala,
bukas ay may araw pa rin
na magsisilbing liwanag sa iyong dilim
buhay mo ay magpapatuloy pa rin
araw man o gabi