top of page
Jolina Billones

“Panandalian”


Puso kong nalumbay nang kay tagal,

Nagnanais na may magmamahal.

Dumating ka nang ‘di inaasahan,

Nagsilbi kang kulay sa buhay kong matamlay.

Kinumutan mo ako ng matatamis mong salita,

Pinaramdam mo sa akin na ikaw lang ay sapat na.

Bigla mong hinawakan ang aking kamay,

Pinagkatiwalaan kita para hayaan kang gawin ang ganoong bagay.

Tuwing magkasama tayo,

Ang mga ngiti natin ay ‘di naglalaho.

Dumaan ang ilang araw,

Nararamdaman kong may nagbabago.

Hanggang dumating sa punto na,

Ang iyong kulay ay lumisan na.

Nawala ka nang parang bula,

‘Di man lang nagpaalam at sinabing ayaw mo na.

Minahal mo ba ako o pinaglaruan lang ang damdamin ko?

Ginawa mo akong bagay na iiwan mo kapag sawa ka na.

Binalewala mo lang ang damdamin ko,

Ang damdamin na sana ay yayakap sa iyong puso.

Salamat sa saglit na panahon na magkasama tayo.

Nang dahil sayo, nalaman ko ang kahalagahan ko.

Napagtanto ko na karapat-dapat ko ang isang lalaki

Na kayang suklian ang pagmamahal ko at kaya akong ipagmalaki.


35 views0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page