top of page

TALA-ARAWAN

  • Aminah Badawy
  • Sep 29, 2017
  • 1 min read

Kay sarap sa pakiramdam

ng ‘yong mga haplos,

Tila ulap na dumadaplis sa

‘king pisngi sa isang dapit-hapon,

Tila panloob ng talulot ng

rosas na humahalimuyak

Ang pagbuklat mo sa akin

araw-araw’t gabi-gabi,

Ang tiyak na langutngot ng

mga pahina,

Ang mahinang lagpak ng

bawat pag lipat,

Ang pagbaon ng pluma sa

‘king maselang katauhan,

Ang disol na dali-daling lumalaganap sa ‘king

katawan,

Ang magkahalong sakit at

kaluguran,

Sa oras na ito, ako ang

‘yong kaibigan at ikaw ang

aking tagapamatnugot.


bottom of page