top of page
Krista Caddarao

Diwa

Nais kong ipinta ang aking sarili sa imahe ng apoy.

Makatampias ngunit may angking kagandahan.

Galing sa uling na naglipuling sa liwanag,

Na sumasalamin sa mata ng marami.


Hindi kaayusan ang kanilang pagkamata.

Maraming nilingkis na pangalan.

Ngunit kahit anong ibato ay siyang nagpapalago.

Gayong ang diwa ay delubyo.


Nagbabaga kung saan pinakamadilim.

Ang mga abok ay umaaktong bituin.

May turing na karikitan,

Na siyang lumilinlang lamang sa mga mata.


Kaya’t apoy ay ipinupuko.

Dahil tulad ng nito ay sumisilaw,

Tumutupok at tumitindig.

Sa mga nangangahas na lumapit.


Balutin man ako sa itim na abo,

Iriin man nito ang lakas ng liyab.

Di pa rin maitatanggi ang nagaalab na kalooban.

Gayong ang aking diwa ay batid ang ligamgam.


Dala ang mahinahon na alab.

Tutunawin ang mga ikinukubling poot.

Pinapaamo ang mga matitikas.

Hinihilom ang nanlalamig.


Dahil ang isang nawawasak ay nabubuo.

Dahil ang isang wasak ay kayang bumuo.

Upang masilayan ang natatanging hinahon

Ay dadaan ako sa siklab ng apoy.


34 views0 comments

Commentaires


bottom of page